Nagpakapon na ang aming gobernor na si Edgar Lara using the latest in reproductive health technology. ‘Yan ang showbiz tsismis ngayon sa Cagayan. Hindi na kelangang tanggalin ang betlogs para hindi na makapag-reproduce. With the no-scalpel vasectomy (NSV), there is no incision procedure, less painful and within minutes the patient can go back to his usual work routine. Milestone ang pagpapakapon ni gob considering na predominantly macho-machohan ang aming lugar. Buntisan dito buntisan duon. Hobby na talaga ng mga Cagayano ang kaba-kabayuhan lalo na pag-brown out saka dun sa mga remote barrios na di pa naaabot ng kuryente. Isabela, also in Region 02 has the second biggest population in the country next to Davao City. Sigurado akong nag-dadalawang isip din si gob na gawin ‘yun but he has to make the ultimate sacrifice to effectively manage the population issues of the province. Teaching by doing ika nga. Okay din siguro ang magpakapon. Una, pwedeng defense ’yan kung may nagki-claim na naanakan mo. Di mo na kailangang padaanin ang bolta-boltaheng kuryente sa katawan mo to toast your betlogs to plead your innocence. Mahirap ding maglaga ng yagbols sa heater o sa isang kaserola ng boiling water kasi killin- me-softly naman ang gagawin mo sa sakit.
Ang dapat na nagpapakapon e yung mga walang mapakain sa pamilya nila. In the long run, bawas yung mga batang nagra-rugby sa lansangan, bawas krimen, happy Philippines (He! He!). Sabi nga ni gob, “Mahirap kami. Madami kaming magkakapatid kaya nag-a-agawan sa pagkain. Ayaw kong danasin ito ng aking mga anak”. Malupet and convincing ang billboard commercial ni gob. Pang Maalala Mo Kaya. Pwedeng gumanap si Boy Abunda sa role as gobernor Lara tutal para naman silang brothers separated at birth. Pero ang dapat talagang kinakapon ay ‘yung mga utak talangka. Utak talangka breeds more utak talangka. Para mabawasan naman crab mentality and this nation will be great ageyn! Isa pang dapat kapunin ay ‘yung mga masasamang elements. Kung pulitiko lang ako mag-i-sponsor ako ng batas na gawing capital punishment ang pagkakapon, barbaric style. ‘Yung guguntingin ‘yung yagbols ng kinakalawang na pruning shear. Scientific research shows that those males who carry a version of violence genes are more likely to have violent children. So that this country will be great ageyn geyn! geyn! geyn! (echo).
