Quantcast
Channel: kwentongbarbero.wordpress.com » Life Stories
Viewing all articles
Browse latest Browse all 6

I Just Gave Dick Gordon a Dirty Finger

$
0
0

Richard Gordon is one of the Philippine’s most influential sales person in tourism.  He knows how to play with the media.  He’s one of the country’s most respected as well.  And I just gave him a dirty finger. 

People who work for him first hand and those within 500 meters radius of his influence hate him from the end of his hair down to his ingrown (tama ba ispeling ko ng ingrown? O ingrone, basta ‘yun din ‘yun) .  Minsan nagtrabaho ako kasama ang aking bayaw sa Paskuhan Village para magpatayo ng booth para sa Cagayan Valley.  Bummer pa lang ako noon, katatapos gumradweyt ng college kaya naisipan akong isama ng bayaw ko na isang painter artist.   Idol na idol ko ‘yung mokong na Dick na ‘yun e kasi tuwing nasusulat siya sa mga diyaryo saka magasin e hayop to the highest multiple inteliggence kung mag-rason.  Kahit na punit punit na ‘yung diyaryo na mapulot ko by the road, pag nakita kong may Dick e pagdidikitin ko.  O kaya ‘yung pinagbalutan ng tinapa, binabasa ko basta All About Dick Gordon.  Nakakabilib.  Ginawaran din siya bilang adopted son of Cagayan by virtue of a Sangguniang Bayan resolution churba-loo. Sabi ko pag nakita ko si Dickhead eh hihingi ako ng autograp at magiging isang dakilang dickhead din ako paglaki ko.   

Dumating nga ang crossroads ng aming buhay.  Naglalagari ako ng mga kawayan ng sabihan ako ng kanyang loyal minions of followers na tumabi-tabi kasi dadaan si Dick.  Andaming media pipol galing ABS-CBN saka Inquirer.  Ibinibida naman ni Gordon ang mga malapit nang matapos na mga tourism exhibits at pinasyal ang media.  May pagka-Simon Cowell din itong si Dick.  Isa sa mga punchline nya sa kanyang assistants – “Don’t open your mouth again.  You think you are intelligent but you are not”.  Taray.  Sabi niya naman du’n sa kanyang isa pang alalay – “Can you do it?  Oh no, you can’t do it.  You are just good for nothing”.  Para palang factory ng matalas na dila dila ang lolo ko.   

Mga hapon na nu’ng wala ng gaanong katao tao.  Meron na lang ‘yung babaeng journalist ng isang community cable.  Nagbibinata ang Dick Gordon at parang kinikiliti ng sandosenang kiti kiti ang puwitan kung kumerengkeng sa   nag-iinterbyu.  Lumapit ako at humingi ng autograp pagkatapos nilang magparaos ng conversation.  Sabi ko he’s my role model and my inspirational ‘betlogs’ leader (ala Mahatma Gandhi level saka St. Theresa of Calcutta).  Siyempre di ko sinabi ‘yung betlogs.  Di man lang natuwa ang Dickhead na ‘yun.  Tiningnan ako na parang ‘Watdahelaryutokingabawt’ sabay pasimpleng alis.   

Kaya tuwing nakikita ko si Dick Gordon sa mga parade at naghahagis ng mga kendi, very thoughtful ko siyang binibigyan ng dirty finger.



Viewing all articles
Browse latest Browse all 6

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan