Quantcast
Channel: kwentongbarbero.wordpress.com » Life Stories
Viewing all articles
Browse latest Browse all 6

Land of the Sheepshaggers

$
0
0

Habang tumatagal ako dito sa Australia, lalo akong napapabilib sa sistema nila. Bilib na may kasamang inggit. Panong di ka maiinggit, magtatapon ka ng basura kusang bubukas yung takip ng basura. Iinom ka sa gripo, meron nang pindutan ng hot or cold. Iihi ka sa urinal kusang papawpawan yung betlog mo. Ok ok, gawa gawa ko lang ‘yung pangatlo. Pero pag napapaisip ako, ang Pinas ay galing pa sa pinaghalu-halong maharlikang dugo ng mga ita, indones at nognog pero third world country pa din samantalang ang Australya na isang dating tapunan lang ng preso ng Gran Britanya ay isa na sa pinakasibilisado at asensadong lugar sa mundo.

Nung panahon ng British colony, tapunan lang ng preso ang Australia. Ayon sa kwento [ng isang barbero na nagba-blog], na-bored ang mga preso kaya nagbungkal na lang ng lupa, nagtanim ng sangkatutak na gulay, at nag-alaga ng sandamakmak na tupa. Sa atin pag nabo-bored ang mga preso, binobrokeback yung kapwa preso, pero sila malamang sa malamang pag nabo-bored ay mga tupa ang pinagdidiskitahan. Well, teorya ko lang naman yan na mahilig sila sa tupa, wala pa akong matibay na ebidensya maliban nga sa pag bumabati sila ay parating G’day meeehhh!

At pag ganitong mainggitin ako, balasubas akong sumagot sa usapan. Tinanong ako minsan ng isang opismeyt kong kupal na Aussie kung anong bansa ako.

Aussie1: Oh Philippines, from third world. How does it look like?
Badoodles: How does it look like?… Like two kangaroos f*cking a koala. It’s a country, mate. It looks like a country.

Partida di pa ako pikon dyan. Saka di mo magawang mapikon dahil nga dayo ka lang. Ang kaya ko lang gawin ay tayuan kung anong nasabi ko saka wag magpapalamang. At kung bastusan lang ang pag-uusapan, panalo tayo dyan. Kaya pag nababanggit ‘yung ‘third world country’ sadya man o hindi sadya, sinosopla ko lang ng ‘Dammit, you sheepshaggers’. Pero in general naman, marunong rumespeto at palakaibigan ang mga Aussies.

Ayos din sana mamuhay dito dahil nga mababa ang crime rate. Kung may krimen man dito, kasing bihira ng ngipin ng manok. Nakakita ka na ba ng ngipin ng manok? Kaya nga, ganun ka bihira. Ayos din ang ospital nila. Pag ang Aussie nagkaka-baby, binibigyan ng gobyerno nila ng 6 months na baby allowance. Sa ‘tin pag nagkaka-baby, binibigyan lang ng libreng pa-condom sa health center. Sa kanila, pag nagkasakit may libreng pa-ospital. Sa tin, ‘pag nagkasakit, may libreng palibing ni Mayor.

Ang problema ko na lang dito, hindi pa nila nadidiskubre ang pinakahenyong imbensyon ng mga Pinoy – ang tabo. Walang nagbebenta ng tabo dito. Hindi pa naman tayo sanay na walang tabo. Gumagamit tayo ng tabo panghugas ng pwet at hindi yung kaskas-tissue lang. Kaya pag merong nilalangaw ang pwet dito, syento porsyentong hindi ako ‘yun.

Tsaka walang Jollibee dito. Wala silang pagkain na tatakamin ka. Lasang papel ang pagkain nila. Kung minsan naman, lasang cardboard. At pag tinimplahan mo ng asin, magiging lasang inasinang cardboard. Oh Shyet, miss na kita Pinas.

Piktyur 1.] Ang mahiwagang tabo ni badoodles.



Viewing all articles
Browse latest Browse all 6

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan